Get to know "The Reaper" Erricson Gabay of Hype Streetball

`

 

By Kings of the Court PH, published August 6, 2020

 


He is Erricson Gabay, also known as “The Reaper” in his community. A kid from Batangas who had a dream, and used his family as motivation, to bring that into fruition.

Wanting to push streetball culture in the country, Erricson worked on his craft day and night. He trained under the wing of "Lil Flash" Nino S. Venturaas the first apprentice of Hype Streetball.

What motivated him further was his desire to help his family who was facing deep financial struggles. Despite the haters and naysayers, he pushed himself until he finally leaped into streetball distinction. TV shows, commercials, events, and billboards lined up because of his passion.

“Gusto ko maging inspirasyon sa mga nagsisimula palang matuto kasi dun din ako nagumpisa, nakaranas ako ng pambubully at panlalait pero ayun yung ginamit ko para magpatuloy pa”

This goes out to all who ballers who dream. If a once-nobody did it, so can you. He is Erricson Gabay, a forever student of the game.

Read his full transcript below:

"WALANG MADALI SA UMPISA, LAHAT MAHIRAP. WALANG PANGARAP NA NAKUKUHA AGAD, LAHAT MAY TAMANG PROSESO AT PINAG HIHIRAPAN." - The Reaper

What's up! sainyo mga idol, i'm Erricson Gabay also know as the Reaper from Hype Streetball. Nakilala ako sa larangan ng Streetball dito sa Pilipinas na dumadayo at bumibisita kung saan saan. Binansagan din nila akong The Professor of the Philippines.

MY STORY:

Bata palang naka tira nako sa probinsiya namin sa "Batangas" lumaki kami ng kuya ko sa pina alagaan sa Lolo at Lola ko kasi yung mama ko nasa Manila nag tatrabaho. Simple lang yung buhay namin pero masaya kami kung ano lang ang meron kami at kahit ganun, thankful parin ako at never akong sumuko sa mga pangarap ko. Bago ako naging Basketball/Streetballer, nung Elementary days isa akong Track & Field (Athlete) player High Jump at Long Jump sa school namin. Ayun yong naging sports ko nun bago pako natuto mag laro ng Basketball. Nag lalaro na din ako ng Basketball nun pero lagi kaming napapagalitan ng lolo ko kasi pag uwian namin galing school dumedretcho kami sa court, hanggang sa ginawan na kami ng lolo ko ng sariling Basketball court sa ilalim ng puno namin sa probinsya. At since mga player yung tito ko dun ko na din nakahiligan ang larong Basketball pinag sasabay ko yung pagiging Athlete ko sa school dati at pag lalaro ng Basketball dati. At nung naka ipon ipon na yung mama ko after ko makagradute ng Elementary, kinuha niya na kami tapos lumipat na kami dito sa Manila.

Noong nakalipat na kami dito sa Manila wala akong ibang nasa isip kundi mag aral at ipag patuloy yung mga pangarap ko lalo na yung sports ko, isinantabi ko yung pag lalaro ng Basketball ko nung una kasi alam ko sa sarili ko na kulang ako sa Height at wala pako masyadong kakayahan pati abilidad para sumabak sa Basketball yung pagiging Athlete ko finocus ko kasi alam kong ayun lang kaya ko. So that time, sinubukan ko mag TRY OUT sa "KNHS, Pasay City" na public school na pinapasukan ko dati at nakuha ako pero sa kasamaang palad nung last day Team Practice namin before Division Meet, na dulas ako na dislocated yung Left Hand ko nun hanggang sa sinabi ko sa sarili ko na hindi para talaga sakin yung sports na yun.

Yung nag fully healed na yung left hand ko, lagi nakong napunta ng court at niyayaya ako ng mga kaibigan ko mag laro ng Basketball hanggang sa nagustuhan ko na din yung pag lalaro ng Basketball. At nakakasama na din ako sa mga dayo, at one time na nag laro ako samin nakilala ko si "Nino Ventura aka. LILFLASH". Nakita niya yung skills na meron ako at dun niya ako na discover hanggang sa tinuruan niya ako ng mga Basketball drills, tricks, freestyle, in game situations at Streetball. Yung araw na nag kakilala kami ni LILFLASH ako yung taong sobrang saya at pinaka swerte kasi sa sobrang daming magagaling na bata. Kinuha niya akong APPRENTICE at ako yung kauna unahang naging istudyante niya sa Hype Streetball. At hanggang sa natuto nako at na apply ko na lahat ng tinuro nya sakin, tapos bigla akong nag ka family problem. Nawalan ng trabaho mama ko nun at since nangungupahan lang kami papaalisin na kami sa tinitirahan namin. At tinulungan ako ni LILFLASH na mag kakaroon daw ng STREETBALL TOURNAMENT sa Hype Streetball na kung sakaling matanggap ako makakatulong ako sa mama ko. So since istudyante palang nila ako sumali ako, lahat ng tinuro sakin ni LILFLASH ginawa ko sa TOURNAMENT na yun nakuha ako sa TRY OUT at isa ako sa napili hanggang dun na nila binansagan na "The Reaper" or "Reaper" kasi dahil sa skills at moves na nakita nila sakin. "Grim Reaper" kasi kumukuha ng soul, so yung skills na meron ako mabilis akong makakuha at maka pick-up ng galaw ng mga nakakalaro ko.

Tini-take ko yung opportunity na yun at natulungan ko yung mama ko. Doon lahat nag simula yung career ko sa Streetball, at pinag patuloy ko yun hanggang nakikilala na ko ng mga tao dahil sa pagiging Streetballer. Bago ko pasukin ang mundo ng Streetball unang pumasok sa isip ko is yung MAGULANG KO at pangalawa yung PANGARAP KO.

After ng ilang months na pag tetraining at pag papacondition, nag TRY OUT ako ng Basketball sa school namin since nakilala ako sa buong school namin kinuha nila ako at nabigyan ako ng opportunity na maging 2 years Varsity.

Nag sunod sunod yung opportunities na dumating sakin nun at nainterview ako TV shows, Invitations, Events, & Performance. Hanggang sa nag boom na talaga career ko nakakatulong nako sa mama ko at sa sobrang bait sakin ni Lord naging past Endorser/Model ako ng isang brand cellphone nung 2015-2016 "Android One Cherry Mobile" na experience ko mag ka Billboard sa EDSA between Cubao at GMA Kamuning. Naging extra din commecial sa TV Commercial sa Nike FIBA Asia 2014.

Hindi ko inaasahan na mararating ko yung mga bagay na ganito, na mainvite sa Celebrity game, makapag laro sa mga Big League, Hot Sauce Manila Tour, Global Hoops Manila at iba pang mga Streetball/Basketball events. At hindi ko din inaasahan na makakapag perform ako sa mga big stage tulad ng PICC Kerygma Conference, PBA Halftime shows TNT Katropa Ballers, Mall shows, Pepsi Event, & YouTube Fanfest 2018-2019 MAIN STAGE.

Maraming opportunities yung dumating sakin dahil sa Basketball/Streetball, wala akong ibang pinag huhugatan kundi yung mga taong nanjan para suportahan ako, at lalo na yung mama ko na gusto kong tulungan. Wala akong ibang nasa isip kundi yung pangarap ko na makatulong sa magulang ko pati na sa mga batang nag uumpisa palang matuto ng Basketball/Streetball. Gusto ko maging inspirasyon sa mga nag sisimula palang matuto kasi dun din ako nag umpisa, nakaranas ako ng pambubully at panlalait pero hindi ko yun pinakinggan ayun yong ginamit ko para mag patuloy pa. Nag training ako araw araw, nag tiwala ako sa sarili ko na kaya ko 'to. Pinag dadasal ko lagi na alam kong pag subok lang lahat ng 'to kaya never akong susuko para sa pangarap ko hangga't nakakatulong ako sa magulang ko itutuloy ko kung ano yung nasimulan ko para sa pangarap ko.

Gusto kong ipag patuloy yung Streetball Culture at LEGACY ni LILFLASH bilang "South East Asian Nike Frestyle Champion" at pagiging Filipino AND1 Legend. Sobrang thankful ako kasi binago ng Streetball yung buhay ko noon at ngayon.

Para 'to sa mga batang mag uumpisa at matututo palang, wag kayong titigil sa kung ano yung gusto niyo marating sa buhay lalong lalo na wag kayong susuko sa pangarap niyo kasi wala naman madali sa umpisa eh, lahat ng umpisa mahirap basta wag lang susuko dapat tuloy tuloy lang at sabayan niyo din ng dasal. Walang pangarap na nakukuha agad, lahat may tamang proseso at pinag hihirapan.